Tayo ang Simula

Nakababahala ang pagkasunog ng Kagubatang Amazon sa Brazil na inabot ng ilang linggo na siyang yumanig, gumimbal nagdulot ng matinding pangamba sa buong mundo na kung saan ay isa sa mga pangunahing nagbibigay sa atin ng buhay, ngunit paano ba tayo nahantong sa ganitong sitwasyon?
Pinakamataas na sunog ang naganap sa Amazon Forest magmula noong 2010 na base sa Brazil’s National Institute of Space Research at 74,000 namang sunomg ang naitala na kung saan ay 84 porsiyentong ang itinaas kaysa sa nakaraang pangyayari noong 2018, batay sa National Institute for Space Research.
Tinaguriang “lungs of the Earth” kung tawagin ang Amazon Forest na kung saan ay pinakamalaking kagubatan sa buong mundo na nagbibigay ng oxygen at nag-iimbak ng carbon dioxide na isang pangunahing sanhi ng global warming, base sa New York Times.
Pamumutol ng mga puno na naging sanhi ng climate change na matinding pagbabago ng panahon ang dahilan kung bakit umusbong ng ka ganito at naghatid ng ganitong kalaking pinsala sa ating mga tao lalo na sa mga hayop na siyang kalunos-lunos ang sinapit na nainirahan sa Amazon forest.
Gumaganti na ang ating Inang kalikasan sa ating mga di-kaaya-ayang kinikilos ngunit hindi pa huli ang lahat upang magbago tayo na sana ay magsilbing aral na sa ating mga tao ang naganap na malaking sunog sa Amazon forest, kung bawat isa sa ating mga tao sa buong mundo ay magkakaisa at magtulungan sa iisang adhikaing itayo at pangalagaan ang ating likas na yamang bumubuhay sa atin.
Tayong mga tao ang simula ng pagbabago sa malusog na kinabukasan!