Isports

KAHALAGAHAN NG PAMPALAKASAN

Kinahihiligan na ngayon ng mga estudyante ang mga gawaing pisikal, ang isports na isa sa mga aktibidad na ginaganap mapa publiko man o pribadong paaralan, ngunit tayo ba ay may kaalaman sa mga magagandang naidudulot ng isports sa ating katawan?

Matatandaang magmula elementarya hanggang sa kolehiyo ay nakapaloob sa kurikulum ng edukasyon ang “Physical Education” na kung saan itinuturo sa atin ang iba’t ibang isports tulad ng pagsasagawa ng mga palarong pampalakasan tulad ng “intramurals”.

Nagpatupad din ang gobyerno sa sekondarya ng programa sa sports ang Special Program for the Sports (SPS) para sa mga estudyanteng hilig talaga ang paglalaro at para mahasa ang kanilang abilidad at kakayahan.

Marami ang naitutulong ng isports sa ating katawan tulad ng pagpapalakas ng resistensiya ng katawan upang makaiwas sa sakit tulad ng kanser, osteoporosis, pagtaas ng prisyon, depresyon at diabetes. Ngunit hindi lamang nakakatulong ang isports sa ating katawan kundi maging sa paraan ng pag-iisip.

Nagbibigay din ang isports ng mga pangkaisipang benepisyo. Nakakatulong ang isports sa kaisipang pang mental dahil mabilis na nakakaisip ng solusyon ang isang manlalaro sa paglalaro at ang mabilis na pag iisip na ito ay nagagamit sa iba’t ibang aspeto ng kanilang buhay gaya sa pagsagot ng mga sitwasyunal na mga tanong. Isa ring pampatanggal ng istress at pag kakaroon ng lakas ng loob ang paglalaro ng isports.

Nagbibigay ng saya ang isports. Maraming mga tao ang sumasaya habang nilalaro nila ang kanilang mga paboritong isports. Nararapat lamang na alamin natin ang kahalagahan nitong isports para sa ating sariling kapakanan. kabutihan. Dahil kapag malusog ang katawan, malusog din ang isipan.